Sinabi ni House Majority leader Prospero Nograles na mas maraming tanong pa ang lumutang matapos sabihin ni Estrada na nagsilbi lamang siyang guarantor sa pagitan ng kanyang kaibigang si Jaime Dichaves at businessman William Gatchalian.
"As guarantor, why did Erap need to use a different name?" pagtatanong ni Nograles.
Kuwestiyonable rin aniya kung bakit si Estrada ang lumagda sa mga bank documents gayong ang uutang sa bangko ay ang kanyang cronies.
Buko na aniya si Estrada sa ginawang testimonya ng mga opisyal ng bangko kaya kailangan na nitong aminin ang ginawang pagpirma bilang si Jose Velarde.
Lalo lamang aniyang nalulubog sa kumunoy ng kasinungalingan ang dating presidente. (Malou Escudero)