Ipinaliwanag naman ni State Prosecutor Emmanuel Velasco na ang pagpapalaya kina Ruben Dionisio, Dennis Ibona, Virgilio Eustaquio, PO2 Jose Curameng at Jim Cabauatan ay nangangahulugan na ibinasura na ng DOJ ang kasong rebelyon laban sa lima. Anya,tinitiyak lamang ng prosecution na dadaan sa due process ang kaso ng mga ito.
Nagbanta naman ang Commission on Human Rights (CHR) na mananagot ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa umanoy ilegal na pag-aresto sa tinaguriang "UMDJ 5." "The Armed Forces of the Philippines (has a lot of explaining to do) because (its) spokesman denied the arrest at first but admitted later that those arrested were in (its) custody," pahayag ni CHR Commissioner Wilhelm Soriano.
Ayon kay Dionisio, piniringan siya ng ISAFP operatives at inumbag sa pader. Hindi pa nakuntento ay kinuryente ang kanyang ari at nilagyan ng plastic bag sa ulo. Pilit umanong pinapaamin si Dionisio na siya ang secretary ng Metro Rizal Party committee ng CPP-NPA. Hindi naman aatrasan ng AFP ang kasong isasampa ng lima kasabay ng pagtanggi na tinortyur nila ang mga ito. (Grace dela Cruz/Angie dela Cruz/Joy Cantos)