Absenerong congressmen,tapyasan ng sahod!

"Bawasan na lang ang sahod ng mga kongresistang pala-absent."

Isa lamang ito sa mga suhestiyon ng ilang mambabatas na parusang dapat ipataw sa mga tamad pumasok na mga kongresista.

Ayon kay House Majority Leader Prospero Nograles, malaking problema ng House of Representatives ang mga absenerong congressmen dahil bumabagal ang legislative functions ng Kongreso dahil madalas walang quorum, na nagiging dahilan upang maantala ang pagpasa ng ilang mahahalagang panukalang batas.

Ani Nograles, trabaho ng mga mambabatas na magpasa ng mga national at local measures kahit walang kasiguraduhan na papasa ang mga ito sa Senado. (Malou Escudero)

Show comments