MJ nagbigay ng P10-M sa Pacific Plans victims
May 26, 2006 | 12:00am
Nakakuha ng kakampi ang mga miyembro ng Parents Enabling Parents (PEP) coalition na kinasuhan ng libelo ng Pacific Plans Inc. (PPI) matapos magkaloob ng P10 milyong tulong pinansyal si dating Manila Rep. Mark Jimenez para sa tuition fees ng mahihirap nitong miyembro.
Nagpasyang magkaloob ng P10 milyong tulong si Rep. Jimenez sa sobrang awa sa inabot na kapalaran ng may 34,000 miyembro ng PEP na sa halip na ayusin ng PPI ang naging problema nito sa kanilang educational plan holders ay kinasuhan pa ng libelo nang ihayag ang kanilang hinaing laban sa kumpanya.
Bukod sa tulong pinansyal, nagkaloob din ni Jimenez sa PEP coalition ng legal assistance para sa kasong kinakaharap nito.
Lubos na nagpasalamat naman ang miyembro ng koalisyon sa tulong ni Jimenez.
Sinabi naman ng PEP coalition, ang pinaka-mahirap na miyembro ng kanilang koalisyon ang magiging prayoridad sa ibinigay na tulong ni Jimenez upang makapag-aral sa darating na pasukan ang kanilang mga anak na dapat sana ay tungkulin ng PPI.
Nakatakda namang magharap ng motion for reconsideration sa Makati Prosecutors Office at motion for suspension ang PEP coalition ngayon kaugnay sa isinampang libel case ng PPI laban sa kanila. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 23 hours ago
By Doris Franche-Borja | 23 hours ago
By Ludy Bermudo | 23 hours ago
Recommended