^

Bansa

Gunman ng brodkaster timbog!

-
Bumagsak sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isa nilang tauhan na kaanib sa 402nd Palawan Police Mobile Group matapos ituro ng apat na testigo na siyang bumaril at nakapatay kay dyPR radio broadcaster Fernando "Dong" Batul noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Chief Supt. Delfin Genio, Jr., Region 4-B (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police Chief ang suspek na si PO1 Aaron Golifardo.

Ayon kay Genio, isinailalim nya sa protective custody si Golifardo matapos niya itong matiyempuhan na dumadalo ng isang hearing sa Camp Crame, Quezon City noong Miyerkules ng hapon.

"I was attending a conference in Camp Crame when my Palawan police director called me up over the cellphone at sinabi niyang positibong itinuturo si Golifardo ng mga witnesses," ani Genio sa PSN.

Dahil doon, mabilis na kinontak ni Genio ang staff ng kanyang personnel sa Camp Vicente Lim para kunin ang personal record/file nito at ang kanyang cellphone number.

"Tinawagan ko siya while in Camp Crame at sinabihan ko na stand-by at kakausapin ko, hanggang sa hindi ko na siya inalpasan," kwento ni Genio.

Ayon kay Genio, ang suspek ay binabanatan ni Batul sa kanyang radio program na Bastonero dahil sa pagkakasangkot umano ng nasabing parak sa "gun toting".

Sabi pa ni Genio, nahaharap din sa kasong murder at attempted murder si Golifardo sa Palawan na naganap noon pang 2002 bukod sa inihaing reklamo ng kanyang asawa ng kasong "insufficient financial support" sa pamunuan ng PNP.

"We have strong evidence against him," pahayag ni Genio na kinumpirma pang apat ang hawak nilang testigo na nagtururo sa suspek na isa sa dalawang gunman na tumira kay Batul.

Mariin naming itinanggi ni Golifardo ang mga bintang sa kanya.

Si Golifardo ay itinurn-over nina Genio sa Task Force Usig sa Puerto Princesa, Palawan na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa kaso ni Batul.

Tinanong ng PSN kung may mastermind na nasa likod ni Golifardo sa pagpatay kay Batul, "we’re still looking on it," sagot ni Genio.

"But initially, the motive that has been established on our investigation was revenged," sabi pa ni Genio.

AARON GOLIFARDO

AYON

BATUL

CAMP CRAME

CAMP VICENTE LIM

CHIEF SUPT

GENIO

GOLIFARDO

PALAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with