Pasukan gagawin nang Setyembre
May 25, 2006 | 12:00am
Gagawin nang Setyembre ang pasukan sa 2007-2008 school year itoy matapos aprubahan ng Kamara sa committee level ang isang batas na magpapalit sa school calendar.
Ayon kay Sen. Manny Villar, suportado ng mga mambabatas, mga may-ari ng paaralan at maging mga opisyal ng Department of Education ang kanyang panukala dahil tag-ulan ang buwan ng Hunyo at natatapat ito sa pagpasok ng mga bagyo.
Ani Villar, sa panahong ito ay problema ng mga estudyante ang baha at trapiko, nagkakasakit ang marami sa kanila at may naaksidente pa bunga ng mga bukas na manhole at dagliang pagtaas ng tubig-baha.
At para maprotektahan ang mga mag-aaral, pumasa sa House committee on higher education and technical education ang panukala ni Quezon City Rep. Mary Ann Susano, ang counterpart ng Senate Bill 565 na inihain naman ni Villar sa Senado.
"If these bills would be passed into law in the 13th Congress, it may be too late to be implemented for the 2006-2007 school year which would start next month already. But definitely next school year, school opening would be on September 2007," ayon sa senador. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Ludy Bermudo | 17 hours ago
Recommended