Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang mga biktima na sina Jason Lansuin, 42 at asawang si Blandrina Sandiego, 45, pawang nakatira sa Penampang district sa Sabah at subcontractors sa pagpapatayo ng bahay. Nakasagutan umano ng mga ito ang kanilang dating mga manggagawa dahil sa pera.
Dumaan ang mga suspek sa likod ng bahay at agad pinaghahataw ang mag-asawa na nooy nagpapahinga na. Narekober ang palakol na ginamit sa krimen. (Ellen Fernando/Mer Layson)