ISAFP umaming hawak ang 5 Erap supporters
May 25, 2006 | 12:00am
Matapos itangging hawak nila ang limang tagasuporta ni dating Pangulong Joseph Estrada na dinukot nitong Lunes, umamin na rin kahapon ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na nasa custody nila ang tinaguriang "UMDJ 5" subalit idinepensang hindi ito dinukot kundi inaresto dahil sangkot umano sa "kill GMA" plot.
Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Col. Tristan Kison, nasa ISAFP si Virgilio Eustaquio, chairman ng Union of the Masses for Democracy and Justice (UMDJ), at mga miyembro nitong sina Ruben Dionisio, Dennis Ibona, Jim Cabauatan at PO3 Jose Curameng ng Special Operation Group (SOG) ng Intelligence Division ng Quezon City Police.
Ikinatwiran ni Kison na kamakalawa lamang ng gabi natanggap ni ISAFP Chief Commodore Leonardo Calderon na nasa kanila ang "UMDJ 5" kaya hindi agad nila ito nakumpirma.
Sa interogasyon anya ng ISAFP operatives ay nakikipag-alyansa ang lima sa New Peoples Army (NPA) at kabilang sa plano ay itumba si Pangulong Arroyo, Justice Sec. Raul Gonzalez, National Security Adviser Norberto Gonzales, DENR Sec. Angelo Reyes, DPWH Sec. Hermogenes Ebdane, Sec. Mike Defensor at ex-PNP director Leandro Mendoza.
Si Dionisio ay tumatayo umanong Special Operations Group ng NPA na naatasang magsakaturapan ng mga pananabotahe at posibleng kontak ng mga rebelde sina Eustaquio.
Ani Kison, target talaga ng operasyon ng ISAFP ay si Dionisio at nadamay lamang ang apat dahil magkakasama ang mga ito sa grupo.
Inaresto ang lima matapos ikanta ng nahuling NPA hitman na si Delfin de Guzman na kasamahan nila sa kill plot, sa Norzagaray, Bulacan.
Kahapon ay dinala sa Department of Justice (DOJ) ang lima at sinampahan ng kasong rebelyon bunsod umano sa planong pagpapabagsak sa gobyerno, pagpatay sa Pangulo at apat na miyembro ng Gabinete.
Nakuha umano ng mga awtoridad sa mga suspek ang ilang matataas na kalibre ng armas at bala, ilang libro na ginagamit ng mga makakaliwang grupo.
Sa inquest proceedings ay sumigaw ng torture ang lima kung saan sinabi ni Dionisio na pinagsisipa siya at kinuryente sa ari para lamang aminin ang kasong ibinibintang sa kanila.
Itinanggi rin ni Eustaquio na nagpupulong sila para sa destabilisasyon. Nagkakape lamang anya sila ng hulihin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest