Mga negosyante sa Subic umaray sa panggigipit
May 24, 2006 | 12:00am
Umapila kahapon ang mga negosyante kay Bureau of Customs Commissioner Napoleon Morales na balasahin na nito ang mga opisyal ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Subic Bay Freeport sa Olongapo City.
Umalma ang mga negosyante dahil umano sa ginagawang matinding panggigipit sa kanila ni CIIS chief Aris de Guzman ng Port of Subic.
Si de Guzman ay una ng ipinagharap ng reklamo sa tanggapan ni Customs Deputy Commissioner Celso Templo ng negosyanteng si Norma Dizon dahil umano sa pagiging sangkot nito sa importasyon ng smuggled na imported na sigarilyo at alak.
Hanggang ngayon ay hindi batid ng mga negosyante kung bakit patuloy pa ring nananatili sa puwesto si de Guzman.
Hinamon ng mga negosyante si Morales na magwalis hindi lamang sa hanay ng mga tinaguriang smuggler sa Aduana kundi maging sa kanilang hanay na maituturing na bugok na itlog sa BoC.
Mistula umanong bulok na kamatis si de Guzman na marapat ng alisin sa kanyang puwesto. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest