Kamakalawa ay napasailalim na sa kontrol ng Navy ang nasabing military housing facility matapos na mapalayas ang 56 "squatting" officers pagkaraan ng tensiyon sa isinagawang eviction noong Sabado.
Kabilang sa mga may utang sa kuryente sina ret. Commodore Jolito Casillan, P200,000; ex-Commodore Rene Leandro Ebro, P150,000 at ret. Col. Pablo Viray, P130,000.
Nanawagan naman si Navy spokesman Capt. Geronimo Malabanan sa mga retiradong opisyal na bayaran ang kanilang mga bills dahil ang pera ay mula sa buwis ng taumbayan.
Sa patakaran ng Navy, dapat bakantehin ang kanilang mga quarters sa loob ng 60 araw matapos ang mga itong magretiro sa serbisyo. (Joy Cantos)