Kabilang sa panukalang tatapyasan ay mga kwestyonableng proyekto ni Pangulong Arroyo kung saan nakita ng Senado na hindi na kailangan ito at ang pagtanggal sa buong pondo ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Sa panukala ni Villar ay tinanggal ang pondo para sa Kilos Asenso Support Fund (P3B), Kalayaan Barangay Program Fund (P3.69B), Compensation Adjustment Fund (P10B), pagtanggal sa buong badyet ng PCGG, (P65.53M) at ang pagtapyas ng P2.27 B mula naman sa Department of Transportation and Communication (DOTC). (Rudy Andal)