^

Bansa

Mga ‘kalupitan’ ng NPA sa Bukidnon inilantad ng militar

-
Ibinulgar ng military kay National Security Adviser Norberto Gonzales ang mga ulat ng pagpaslang kabilang ang mga mass execution ng mga rebelde at sibilyan, child warriors recruitment, panghahalay at iba pang krimen na umano’y ginawa ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kanayunan.

Ayon kay Gonzales, nai-rekord ng mga miyembro ng 26th Infantry Batallion ang mga karahasan na naganap umano sa San Fernando, Bukidnon na tinalakay sa isang briefing kasama sina Brig. Gen. Cardoza Luna at commanding general ng 4th Infantry division.

Lumalabas na may 21 kaso mula 2002 ang naitala, kung saan ang isa sa mga biktima ay si dating San Fernando Mayor Santacera na binaril nang tumangging magbayad ng revolutionary tax habang ang mga asawa naman ng mga magsasaka ay ginugulpi, sapilitang isinasama sa kulto at hinahalay.

Sampung kapwa NPA naman mula 2004-2005 ang pinaslang kabilang sina Manahan Kalimpitan, Carlito Sulin-ay at 12-anyos na kapatid nito na pinaslang sa harap ng pamilya.

Sinabi pa ng mga militar, 18 sa extra-judicial na pagpatay ay naganap naman sa mga bayan ng San Fernando at Quezon, 11 dito ay nangyari lamang sa Brgy. Kibungcog, ng nasabing bayan..

Ayon naman sa 12 nakasaksi, nag-recruit umano ang mga NPA ng mga menor-de-edad na inisyuhan pa umano ng mga M14 rifles. Kabilang dito ang 16-anyos na dalagita na umano’y ginahasa at ginawang asawa ng isang Kumander Butchoy. (Doris Franche)

AYON

CARDOZA LUNA

CARLITO SULIN

DORIS FRANCHE

INFANTRY BATALLION

KUMANDER BUTCHOY

MANAHAN KALIMPITAN

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with