^

Bansa

Ex-beauty queen kakasuhan ni Erap

-
Kakasuhan ng multi-milyong libel case ni dating Pangulong Joseph Estrada ang ex-beauty queen na si Joelle Pelaez dahil sa pagdadawit sa kanya sa umano’y P2.9 bilyong money laundering.

Ayon kay Didagen Dilangalen, spokesman ni Estrada, ang expose ni Pelaez ay para sirain ang testimonya ng dating pangulo sa darating na Miyerkules.

Timing anya dahil money laundering ang tatalakayin sa pagdinig.

Pinabulaanan ni Erap na inalok niya ng P50-M halaga ng condo si Pelaez at hindi rin anya niya ito inalok maging kabit.

Si Atty. Rene Saguisag ang naatasan na maghanda ng reklamo laban kay Pelaez habang ihahain naman ni Atty. Leonardo Siguion-Reyna ng Siguion-Reyna, Montecillo and Ongsiako Law Office ng parehong kaso sa Amerika laban kay Pelaez na kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles.

Una nang sinabi ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na si Pelaez ang paboritong kasama ni Estrada sa kanyang pagma-mahjong.

Ipinakita pa ni Chavit ang kopya ng isang tseke na diumano’y ibinalato ni Estrada kay Pelaez noong minsang manalo ito sa mahjong. (Malou Escudero)

vuukle comment

CHAVIT

DIDAGEN DILANGALEN

ILOCOS SUR GOV

JOELLE PELAEZ

LEONARDO SIGUION-REYNA

LOS ANGELES

MALOU ESCUDERO

MONTECILLO AND ONGSIAKO LAW OFFICE

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PELAEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with