Hit squad ng NPA nasa MM na; GMA, Cabinet member target!
May 19, 2006 | 12:00am
Nasa Metro Manila na umano ang hit squad ng New Peoples Army (NPA) at ang target ay iligpit si Pangulong Arroyo at ang isang Cabinet member.
Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales, founding-chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), ang "special team" ay binuo mismo ni Jose Ma. Sison sa tulong umano ng oposisyon.
"The communist and some opposition leaders have no option left to bring down the government but to kill the President to attain their political objective," sabi ni Gonzales sa press briefing sa Rembrandt Hotel sa Quezon City.
Nakakalat na umano sa bansa ang hit squad kung saan naghahanap na lamang ng tamang pagkakataon upang isagawa ang plano. Tumanggi naman si Gonzales na pangalanan ang miyembro ng Gabinete na nasa hit list, subalit hinala ng ilan ay si Justice Sec. Raul Gonzalez ito.
Tukoy na umano ng gobyerno ang ilan sa mga personalidad na sangkot sa kill plot at gumawa na rin ng kaukulang paghahanda para sa kaligtasan ng Pangulo at iba pang opisyal ng pamahalaan.
"Sila yung nangako sa mga NPA na tulungan silang pabagsakin si PGMA at ang kapalit nito ay pwesto sa gobyerno kapag sila ay nanalo," sabi ni Gonzales.
"Mula pa noong panahon ni Pangulong Arroyo, tumutulong na sila pero sa tuwing nagtatagumpay ang opposition hindi sila nabibigyan ng pwesto. Sa puntong ito gusto nilang manigurado kaya pinapaalala nila sa opposition na huwag nyo kami kakaliwain," dagdag pa ni Gonzales.
Samantala, sinabi ni Gonzales na ang plano ay tuluyang pabagsakin ang pamahalaan ni Gloria kayat matinding seguridad ang pinaghahandaan upang pigilan ang assassination at destabilisasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest