^

Bansa

Pinay sa Saudi naisalba sa bitay

-
Nailigtas sa parusang bitay ang isang Pinay OFW sa Saudi Arabia nina Pangulong Arroyo at Ambassador Amable Aguiluz V matapos pumayag ang pamilya ng biktima sa pakiusap ng ating gobyerno para sa blood money.

Inatasan ng Pangulo si Special envoy to the Gulf Cooperation Council Amb. Aguiluz na sikaping mailigtas sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo si Sarah Dematera, 34, na inakusahang pumatay sa kanyang employer noong Nobyembre 1992.

Hinatulan ng kamatayan si Dematera ng local Sharia Court sa Dammam noong Nob. 14, 1993 dahil sa pagpatay umano sa kanyang amo.

Matapos ang pagsisikap ni Aguiluz ay pumayag ang pamilya ng biktima para sa 2 milyong Saudi rial (P28 milyon) at nitong Mayo 10 ay tinanggap ng pamilya ng biktima ang paunang bayad sa blood money na 500,000 Saudi Rial o P7 milyon. Ang 175,000 Saudi rial (P2.45 milyon) ay donasyon ni Amb. Aguiluz habang ang iba naman ay nagmula sa kontribusyon ng mga OFWs.

Iniutos naman agad ni Abdullah bin Abdul Al Yamani ng Ministry of Justice na itigil ang pagpaparusa kay Dematera matapos tanggapin ng pamilya ng biktima ang paunang blood money.

Nagpasalamat naman ang pamilya ni Dematera kina Pangulong Arroyo at Amb. Aguiluz dahil sa ginawang pagtulong sa OFW para mailigtas sa parusang kamatayan. (Rudy Andal)

ABDUL AL YAMANI

AGUILUZ

AMBASSADOR AMABLE AGUILUZ V

DEMATERA

GULF COOPERATION COUNCIL AMB

MINISTRY OF JUSTICE

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SARAH DEMATERA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with