Ayon kay Sen. Joker Arroyo, chairman ng committee on justice and human rights, pagsasamahin ang 3 panukalang batas na humihiling na alisin ang death penalty kabilang ang panukala ni Villar, Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. at Sen. Serge Osmeña.
Ang pagbabasura sa death penalty ay laganap na sa buong mundo. Sa ngayon, 88 bansa na ang hindi nagpapataw ng parusang kamatayan sa lahat ng uri ng krimen at 37 bansa na lamang ang may death penalty law ngunit hindi nagpapatupad ng bitay sa nakaraang 10 taon. Sampung bansa naman ang nag-abolish sa death penalty sa lahat ng krimen maliban sa war crimes. (Rudy Andal)