Paglusaw sa bitay isasalang na sa Senado
May 18, 2006 | 12:00am
Isasalang na sa deliberasyon ng Senado ang pagpapatibay sa mga panukalang lulusaw sa Death Penalty Law kabilang na ang Senate Bill 694 ni Sen. Manny Villar na naglalayong patawan lamang ng habambuhay na pagkakabilanggo ang mga karumal-dumal na krimen sa halip na bitay.
Ayon kay Sen. Joker Arroyo, chairman ng committee on justice and human rights, pagsasamahin ang 3 panukalang batas na humihiling na alisin ang death penalty kabilang ang panukala ni Villar, Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. at Sen. Serge Osmeña.
Ang pagbabasura sa death penalty ay laganap na sa buong mundo. Sa ngayon, 88 bansa na ang hindi nagpapataw ng parusang kamatayan sa lahat ng uri ng krimen at 37 bansa na lamang ang may death penalty law ngunit hindi nagpapatupad ng bitay sa nakaraang 10 taon. Sampung bansa naman ang nag-abolish sa death penalty sa lahat ng krimen maliban sa war crimes. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended