^

Bansa

35 mahihirap na estudyante nabigyan ng scholarship

-
Tatlumpu’t lima pang mahihirap na college students mula sa ika-5 Distrito ng Negros Occidental ang nadagdag sa mga scholar ni Rep. Ignacio ‘Iggy’ Arroyo.

Ang 35 scholar ay kumukuha ng iba’t ibang kurso sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa buong 5th District ng Negros Occidental.

Inihayag ni Arroyo na ang kanyang college at high school scholarship program ay isasagawa taun-taon. Makikipag-ugnayan din siya sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa karagdagang tulong sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante.

Nauna rito, pinasinayaan ni Arroyo ang isang bagong building at food court sa Isabela National High School sa bayan ng Isabela.

Pinaglaanan ni Arroyo ng P400,000 ang building at food court mula sa kanyang pondo bilang mambabatas. Matagal nang hinihiling ng faculty ang naturang mga proyekto bago pa siya naging congressman.

Umabot na sa 84 ang scholar sa high school at college ni Arroyo. (Malou Escudero)

IGGY

IGNACIO

INIHAYAG

ISABELA

ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL

MAKIKIPAG

MALOU ESCUDERO

MATAGAL

NAUNA

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with