3 asunto di sinipot ni Garci
May 17, 2006 | 12:00am
Hindi sinipot kahapon ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano ang kauna-unahang preliminary investigation ng Quezon City Prosecutors Office kaugnay ng isinampang kasong perjury, falsification of pulic documents at paglabag sa Philippine Passport Act of 2001 na isinampa ng oposisyon laban sa kanya.
Ayon kay Ed Tamondong, ang kliyente niyang si Garcillano ay nasa farm sa Bukidnon, ngunit maaari umanong dumalo ito sa susunod na pagdinig sa darating na Mayo 30 para sa pagsusumite ng kanilang counter-affidavit. Ipinag-utos ni Asst. State Prosecutor Perfecto Lawrence Chua-Cheng na bigyan kaagad ng kopya ng sama-samang sumbong ng oposisyon ang kampo ni Garcillano para makasagot kaagad.
Inatasan din ng piskalya ang oposisyon na kailangang isumite na lamang ng iisa ang kanilang sumbong sa darating na Mayo 23 laban kay Garcillano lalot pare-pareho lamang ang laman ng kanilang complaint. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest