Airliners nangamba, kikilos sa kaligtasan ng NAIA-3
May 16, 2006 | 12:00am
Pormal na nagpahayag ng pangamba ang Board of Airline Representative (BAR) sa pangasiwaan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa kaligtasan ng Ninoy Aquino International Airport-Terminal 3 kasunod ng pagbagsak ng isang bahagi ng kisame at nakaambang pagbigay ng ilan pang parte nito.
Kasabay nito, nag-alok ng suporta ang BAR sa pamamagitan ni Chairman Felix Cruz sa pagsusumikap ni MIAA Gen. Manager Alfonso Cusi na tiyakin ang kaligtasan ng terminal para sa mga pasahero at airlines.
Nakasaad ang pagpapahayag ng pangamba at alok na tulong ng BAR sa isang liham kay Cusi na may petsang Mayo 4, 2006 kung saan nagpanukala si Cruz na kumuha ng 3rd party ang MIAA na subok na sa pagsasagawa ng facility and technical audit or inspection upang masiguro ang kaligtasan at integridad ng terminal.
Sinabi pa ni Cruz na magrerekomenda ang BAR ng kumpanya na may karanasan sa pag-inspeksyon sa mga pasilidad sa paliparan para tumulong sa pagsasagawa ng inspeksyon. Idinagdag pa ni Cruz na makakatulong din sa mabilisang pagtiyak sa kaligtasan ng terminal ang ilang airline members nito at ang International Air Transport Association (IATA).
Kasalukuyang nagsasagawa ng inspeksyon ang Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP) na inatasan ng MIAA kasunod ng ceiling incident at nakatuklas pa ng limang depektibong bahagi ng kisame. Nauna nang binatikos ni Cusi ang Takenaka Corp. ang pangunahing subcontractor ng PIATCO sa pagtatayo ng NAIA-3 kaugnay ng natuklasang naturang depektibong bahagi nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended