^

Bansa

Overstaying na ex-Generals palalayasin na

-
Anim na araw na palugit ang ibinigay kahapon ni Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga laban sa 56 retiradong opisyal na overstaying para lisanin na ang kanilang mga quarters sa Naval Station sa Fort Bonifacio, Makati City.

Sinabi ni Mayuga na bibigyan niya ng pagkakataon para mag-impake ang mga retiradong opisyal hanggang Sabado at kung hindi ay mapipilitan silang gumamit na ng puwersa laban sa mga ito.

Binigyang diin ni Mayuga na hindi niya maaring kunsintihin ang mga overstaying na retiradong heneral dahilan apektado ang mga aktibong opisyal na sa halip na may magamit na mga quarters ay napipilitang umupa ng apartment sa labas.

" It is not right for these overstaying officers to benefit from the taxpayers money at the expense of the active officers and personnel of the Phil. Navy," ani Mayuga.

Nabatid na ang nasabing mga opisyal ay may 10 hanggang 15 taon ng nagretiro sa serbisyo pero magpahanggang ngayon ay ayaw pa ring umalis sa kanilang mga quarters.

Kabilang sa 56 dating Navy officer na palalayasin ay limang may ranggong ret. Vice Admirals , pitong dating Rear Admirals, 28 na nagretirong Commodore, 15 Captains o katumbas ng Colonel sa Phil. Army at isang Chief Supt. mula sa Philippine National Police (PNP).

Sa panig naman ni Navy Spokesman Capt. Geronimo Malabanan, sinabi nito na irerespeto nila ang karapatan ng mga retiradong opisyal pero kaakibat nito ay kanilang susundin ang itinatadhana ng mga alintuntunin at patakaran sa Phil. Navy. (Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF SUPT

FORT BONIFACIO

GERONIMO MALABANAN

JOY CANTOS

MAKATI CITY

MAYUGA

NAVAL STATION

NAVY CHIEF VICE ADMIRAL MATEO MAYUGA

NAVY SPOKESMAN CAPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with