^

Bansa

Mantaring acting director na ng NBI

-
Ibinigay na ng Malacañang ang posisyon bilang acting director ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Atty. Nestor Mantaring na umaaktong officer-in-charge ng mamayapa si Reynaldo Wycoco.

Sa nakalap na impormasyon ng media mula sa Palasyo, nitong Sabado ay pinalawig ni Pangulong Arroyo ang term of office ni Mantaring at hindi na OIC kundi acting director. Kung magiging maganda ang performance nito, posibleng masungkit na nito ang permanenteng puwesto.

Magugunitang noong Nob. 23, 2005 ay inatake ng hemorrhagic stroke si Wycoco at namatay matapos ang halos isang buwang pagka-comatose sa Manila Doctors Hospital.Mula noon ay si Mantaring, dating deputy director, ang itinalagang OIC.

Bukod kay Mantaring, si PNP chief Gen. Arturo Lomibao ang napipisil umanong ipuwesto bilang kapalit ni Wycoco subalit mukhang hindi na umano interesado si Lomibao. Sa halip, nais ng huli na mabigyan na lamang siya ng extension ng Pangulo bilang hepe ng PNP. Si Lomibao ay nakatakdang magretiro sa darating na Hulyo. (Ludy Bermudo)

ARTURO LOMIBAO

LUDY BERMUDO

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MANTARING

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR MANTARING

PANGULONG ARROYO

REYNALDO WYCOCO

SI LOMIBAO

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with