21 katao patay sa hagupit ni Caloy
May 14, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 21 katao ang nasawi habang 13 naman ang nawawala bunga ng hagupit ng bagyong "Caloy" nang lumubog ang isang pampasaherong bangkang M/V Mae-Ann 5 sa karagatan ng Barangay Kinamaligan, Masbate City.
Ayon sa ulat, 21 sa nasawi ay pawang mga sakay ng bangka na ilan dito ay nakilalang sina Dodong at Chaway Alburo, Selsa Fajardo, Jenny Tagayom, Jenelyn Tagayom, Elpidio Quilong, Divine Quilong at isang inspector ng Lobrigo Shipping Lines. Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang mga pangalan ng siyam na iba pang narekober na bangkay.
Kabilang naman sa ilang mga nawawala ay sina Geopet Alburo, Dado Alburo, Dayday Alburo na pawang mga residente ng Cawayan, Masbate.
Nabatid na ang mga biktima ay pawang mga sakay ng nasabing bangka na pag-aari ng Lobrigo Shipping Lines nang salpukin ng malalaking alon na umabot sa 20 talampakan nang tangkain nitong bumiyahe patungong Pilar, Sorsogon hanggang sa tuluyang lumubog.
Sa report ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang tatlong katao pa na namatay ay mula sa Caloocan City, Negros Occidental at Tiaong, Quezon. Libu-libong residente naman ang lumikas sa mga evacuation centers at iniwan pansamantala ang kanilang mga tahanan sa nabanggit na mga lugar dahil sa malakas na hanging dala ng bagyo na umaabot sa 120 kilometer per hour habang sa Central Bicol region ay may 300 pamilya naman ang nawalan ng kanilang mga tahanan dahil sa lakas ang hangin na nararanasan at matinding pagbaha.
Inaasahan naman na maibabalik na sa normal ang power supply sa Bicol region matapos ang "automatic shut-off" na ginawa ng PNOC sa suplay ng kanilang kuryente sa rehiyon dahilan sa bagyo na naramdaman noon pang Biyernes.
Ang Kamaynilaan naman ay dumanas din ng malalakas na hampas ng hangin mula Sabado ng umaga at ilang bahagi ng Metro Manila ay nawalan ng suplay ng kuryente.
Inaasahan ding si Caloy ay kikilos patungong South China Sea ngayong umaga.
Samantala, umaabot din sa 4,530 pamilya ang naapektuhan ng bagyong si Caloy sa bahagi ng Southern Tagalog o Region 4-A, Bicol at Eastern Visayas.
Winasak din nito ang may 120 kabahayan sa Saha, Iloilo, Albay, Catarman, Mapanas, San Antonio at Mondragon, Northern Samar.
Ayon sa ulat ng NDCC ang naturang bilang ng mga apektadong pamilya ay may kabuuang 23,992 katao na patuloy na pansamantalang naninirahan sa mga itinalagang evacuation centers sa nabanggit na rehiyon.
Kaugnay nito, may 7,811 pasahero ang na-stranded sa Batangas Port sa Batangas City, Dalahican Port sa Lucena at Romblon Port, Pilar sa Bulan, Matnog, Masbate, Tabacco, Pasacao, Virac at Sabang, lahat ay sa Bicol Region.
Sa ngayon ay nakataas pa rin ang signal no. 2 sa Sorsogon, Ticao Island, Albay, Burias Island, Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Marinduque, Southern Quezon at Camarines Sur habang signal no.1 naman sa Metro Manila, Occidental Mindoro, Lubang Island, Calamlam Group of Island, Catanduanes, Camarines Norte, ibang bahagi ng Quezon, Polilio Island, Rizal, Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Bataan Norther Samar at Northern Panay.
Sa isa pang insidente, pitong tripulante din ang nawawala nang lumubog ang dalawang pang sasakyang pandagat sa karagatan ng Mindoro at Davao.
Kabilang sa nawawalang lumubog na motor tugboat na Andrea Lolita ay sina Capt. Arvin Coruno; Jesus Sesmoan, Quarter Master; Nonilo Magdael, Chief Engineer; Andrew Taje, Marine diesel mechanic; Herman Zauca, deck rating; Palamero Ralfiz, engine rating at Erick Teli, apprentice mate.
Nabatid na dakong alas-5 ng umaga nang lumubog ang tugboat na Andrea Lolita sa San Jose Mindoro habang tinatangka nitong tumabi sa pampang upang umiwas sa hanging dulot ni Caloy.
Inutos ni Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza sa mga seaports at airlines ang pagbibigay ng sapat na pagkain at seguridad sa mga libu-libong na-stranded ni Caloy.
Ayon kay Roberto Castanares, assistant secretary for projects and planning nagbaba ng kautusan si Mendoza upang makapagbigay ng assistance sa mga naantalang mga pasahero sa mga bayan ng naapektuhan ng bagyo.
Matatandaan na kinansela ng mga Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang domestic flights at biyahe ng mga barko gayundin ang mga biyahe ng Asian Spirits.
Red Cross naka-antabay
Masusing sinusubaybayan ng Philippine National Red Cross (PNRC) ang sitwasyon sa mga lugar na dinaanan ng bagyong "Caloy" upang maibuhos dito ang tulong ng organisasyon.
Sa ginawang pagmomonitor ni Sen. Richard Gordon, governor ng PNRC, binugbog ng bagyong Caloy ang lalawigan ng Mindoro kung kayat nawalan ng kuryente sa Calapan bandang katanghalian.
Ani Gordon, bumaha ng hanggang tuhod ang tatlong barangay ng nasabing siyudad matapos na umapaw ang tubig sa ilog dito.
Dahil dito ay nagpadala na ng pagkain ang PNRC sa mga pamilyang apektado ng bagyo sa Calapan.
Batay sa ulat, maaaring sa Linggo o Lunes pa makakalabas ng bansa ang bagyong si Caloy kung kayat maantala din ang inspeksyon ng Red Cross sa mga apektadong lugar.
"Mag-a-assess muna siguro kami bago magsagawa ng inspection," ani Gordon.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang report ang PNRC sa naging casualty ng bagyong Caloy sa iba't-ibang panig ng bansang tinamaan ng bagyo.
Inalerto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ibat ibang ahensiya na may kinalaman sa bagyong Caloy partikular na sa pagbibigay ng serbisyo para sa rescue and evacuation sa mga lugar na apektado nito.
Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, dapat na imonitor ng DSWD at NDCC ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng landslide dulot ng bagyo.
Itoy upang agad na mailikas ang mga residente at maiwasan ang anumang pagkasawi bunga ng patuloy na pagbuhos ng ulan at malakas na hangin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended