Ayon pa kay Kampi spokesman Isabela Rep. Anthony Miranda, kasama rin ang Pilipinas sa 138 bansa sa mundo na hindi kinokonsidera bilang krimen ang pag-iingat ng pornographic materials ng mga bata.
Lumalabas pa sa pag-aaral ng Interpol at US-based International Center for Missing and Exploited Children na hindi rin nagawang maabot ng Pilipinas ng criteria na inilabas para madetermina kung napaparusahan ang mga sex crimes laban sa mga kabataan.
Sa Asya, tanging New Zealand at Hong Kong lamang ang mga bansa na nagpapatupad ng batas laban sa child pornography o nakasunod sa inilabas na criteria ng ICMEC. (Malou Escudero)