Batasan 5, ipapapatay para manahimik?
May 13, 2006 | 12:00am
Posibleng ipapatay na lamang ang Batasan 5 upang tuluyang manahimik sa pagbatikos sa gobyerno.
Ito ang pangamba ni Bayan Muna Rep. Joel Virador kaugnay sa bagong kasong rebelyon na isinampa kahapon ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga militanteng mambabatas.
Ayon kay Virador, hindi sila natatakot sa bagong reklamo at mas kinakatakutan nila ang posibilidad na ipaligpit sila.
"We do not fear and will face this manufactured charge of rebellion as we demand due process. What is more dangerous is the possibility of state-sponsored physical elimination," pahayag ni Virador.
Wala naman aniyang bago sa isinampang bagong reklamo na pawang "manufactured" lamang ang mga ebidensiya.
Naniniwala si Virador na ang sinasabing "new information" na inihain ng DOJ sa Makati Regional Trial Court ay bahagi lamang ng 392 dokumento na nauna nang ibinasura kaya sila nakalaya mula sa protective custody ng House of Representatives.
Idinagdag ni Virador na hindi imposibleng sapitin rin nila ang mga asasinasyong isinasagawa sa mga miyembro ng Bayan Muna na patuloy na nagbubunyag ng mga kabulukan sa gobyerno.
Kahapon ay inihain ni DOJ Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco ang panibagong kasong rebelyon laban kina Reps. Satur Ocampo, Liza Maza, Rafael Mariano, Teddy Casiño at Virador sa Makati RTC.
Naniniwala ang mga kongresista na nais lamang ng DOJ na tumahimik sila sa pagbatikos sa administrasyong Arroyo kaya patuloy ang pagsusulong ng kasong rebelyon kahit na ibinasura ito ng korte.
Kabilang pa sa kinasuhan sina dating Sen. Gringo Honasan, AFP retired officials Jake Malajacan at Felix Turingan; 1st Lt. Patricio Bumidang, 2 Magdalo, isang Atty. Christopher Belmonte, communist leaders Jose Ma. Sison at Luis Jalandoni.
Iginiit ng DOJ na ang mga respondents ay magkaka-ugnay at nagsabwatan sa planong pabagsakin ang gobyernong Arroyo. (Malou Escudero, Grace Dela Cruz At Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest