Ayon kay Justice Sec. Raul Gonzalez, ang pagpayag ni Makati RTC Branch 138 Judge Sixto Marella Jr. na makapanatili sa kanyang bahay sa New Manila sa Quezon City si Misuari at kapwa nito akusado sa kasong rebelyong si Ustadz Abuharis Usman ay bahagi ng karapatan ng isang maysakit na bilanggo.
Sinabi ni Gonzalez na kung talagang hindi na kaya ng dalawang akusado ang malaking gastusin sa pananatili ng matagal sa St. Lukes Hospital ay mas makabubuting manatili sa New Manila na malapit sa naturang ospital kaysa magpabalik-balik sa Fort Sto. Domingo sa Laguna kung saan nakadetine ang dalawa.
Si Misuari at Usman ay pinayagan ng korte na manatili sa #27, 6th St., New Manila, QC.
Sumasailalim ang dalawa sa medical treatment sa St. Lukes dahil si Misuari ay mayroong hypertension at diabetic naman si Usman.
Ang dalawa ay kapwa akusado sa kasong rebelyon na may kaugnayan sa 2001 Jolo bombing. (Grace dela Cruz)