^

Bansa

House arrest ni Nur, ayos lang sa DOJ

-
Hindi na kokontrahin pa ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Makati Regional Trial Court na isailalim sa house arrest si dating ARMM Gov. Nur Misuari habang nagpapagamot.

Ayon kay Justice Sec. Raul Gonzalez, ang pagpayag ni Makati RTC Branch 138 Judge Sixto Marella Jr. na makapanatili sa kanyang bahay sa New Manila sa Quezon City si Misuari at kapwa nito akusado sa kasong rebelyong si Ustadz Abuharis Usman ay bahagi ng karapatan ng isang maysakit na bilanggo.

Sinabi ni Gonzalez na kung talagang hindi na kaya ng dalawang akusado ang malaking gastusin sa pananatili ng matagal sa St. Luke’s Hospital ay mas makabubuting manatili sa New Manila na malapit sa naturang ospital kaysa magpabalik-balik sa Fort Sto. Domingo sa Laguna kung saan nakadetine ang dalawa.

Si Misuari at Usman ay pinayagan ng korte na manatili sa #27, 6th St., New Manila, QC.

Sumasailalim ang dalawa sa medical treatment sa St. Luke’s dahil si Misuari ay mayroong hypertension at diabetic naman si Usman.

Ang dalawa ay kapwa akusado sa kasong rebelyon na may kaugnayan sa 2001 Jolo bombing. (Grace dela Cruz)

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORT STO

JUDGE SIXTO MARELLA JR.

JUSTICE SEC

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MISUARI

NEW MANILA

NUR MISUARI

QUEZON CITY

RAUL GONZALEZ

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with