^

Bansa

Dengue uso na naman

-
Hinimok ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang mga mamamayan na simulan na ang paglilinis ng kanilang mga tahanan at takpan ang kanilang mga lalagyanan ng tubig upang hindi makapamuhay dito ang mga lamok na may dalang dengue.

Sinabi ni Echiverri na magsisimula na naman ang panahon ng tag-ulan kaya mahalagang matanggal na ang mga bagay sa bakuran na maaring maipunan ng tubig at pamahayan ng lamok.

Pinayuhan ng alkalde ang mga mamamayan na ugaliin ang "4 O’clock Habit" na paglilinis sa kanilang mga tahanan upang masigurong naialis ang mga nakaimbak na tubig na maaring may itlog ng lamok.

Dinadala ng mga lamok na Aedes aegypti at Aedes albopictus ang dengue virus. Sa umaga nangangagat ang mga ito at sa malinis na tubig namamahay.

Iginiit ng alkalde na mas makabubuti ang pag-iingat at agapan ang sakit na dengue na karaniwang nagiging sanhi ng kamatayan kapag hindi naagapan.

Nauna nang inatasan ni Echiverri ang City Health Department na paigtingin ang kanilang programa upang labanan at mapigil ang paglaganap ng dengue sa lungsod.

Inutusan rin nito ang Environmental Sanitation Service (ESS) na doblehin ang kanilang isinasagawang paglilinis sa lungsod upang hindi maimbak ang mga basura at tubig na pinamamahayan ng lamok.

Binigyan din nito ng direksyon ang lahat ng opisyal ng barangay at kanyang mga tauhan na tumulong sa information campaign para makaiwas sa sakit na dengue ang mga mamamayan.

Kabilang sa mga palatandaan ng dengue and biglaang pagtaas ng lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pagkakaroon ng maliliit at mapupulang pantal, pananakit ng ulo at tiyan, hirap sa paghinga, pagdurugo ng ilong at gilagid at pagsusuka o pagdumi ng maitim na kulay dulot ng pagdurugo ng bituka.

BINIGYAN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY HEALTH DEPARTMENT

DENGUE

DINADALA

ECHIVERRI

ENVIRONMENTAL SANITATION SERVICE

HINIMOK

IGINIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with