Batasan 5 pwedeng dakpin anumang oras
May 11, 2006 | 12:00am
Dahil sa patuloy na paghahamon sa gobyerno sa pagsasampa ng kaso ng ilang opisyal nito, nanganganib pa ring arestuhin ang Batasan 5 na kalalabas lamang ng Batasan complex.
Ayon kay Atty. Jose Ricafrente, spokesperson ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), maaaring igiit ng Department of Justice (DoJ) ang legalidad ng pag-aresto sa mga mambabatas at ipakulong ang mga ito kahit bago pa maisampa ang bagong impormasyon o bagong kaso laban sa kanila.
"Dahil ang kaso nila ay rebelyon, maaari silang dakpin anumang oras kahit walang warrant. Matibay sa ating batas na ang rebelyon ay isang patuloy na krimen, at ang isang rebelde ay rebelde kahit natutulog siya at kahit walang pormal na kasong nakasampa sa korte, maaring pigilan ng gobyerno ang mga ibig mag-alsa laban dito sa pamamagitan ng pag-aresto o pagsikil sa galaw nila," paliwanag ni Ricafrente.
Ngunit giit naman ni Ricafrente na dapat huminto si Justice Secretary Raul Gonzalez sa pagbibitiw ng mga iresponsableng pahayag na nagpapainit lamang sa mga mambabatas.
Naniniwala ang grupo na ang pahayag ni Gonzalez na "mabuti pang bumalik na lang sila sa bundok" ay hindi nararapat at taliwas sa patakaran ng gobyerno na himukin ang mga komunista sa bansa na talikuran ang armadong pakikibaka at dalhin ang kanilang laban sa larangan ng pulitika.
Aniya, dapat pagtuunan ng pansin ni Gonzalez ang pagpukpok sa mga prosecutor niya na sinupin ang kanilang trabaho para ang mga kasong isinasampa nila sa korte ay hindi nahahanapan ng butas at nang hindi sila napapahiya. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest