Sinabi ni Sen. Juan Ponce Enrile, hindi nakatali sa isang kasunduan ang liderato ng Senado tulad ng naging term-sharing agreement nina Sen. Drilon at Sen. Villar dahil pagbobotohan ito ng buong miyembro ng Mataas na Kapulungan.
Ani Enrile, ang pagiging lider ng Senado ay dapat suportado ng numero at sinumang nais na pamunuan ito ay dapat makakuha ng 13 boto upang makuha ang senate leadership.
Aniya, kung sakaling magbibigay si Drilon kay Villar tulad ng kanilang naging kasunduan at walang sinuman ang nais tumakbo sa pagiging senate president ay makukuha na ito ni Villar subalit dadaan pa rin ito sa botohan.
Sa term-sharing nina Drilon at Villar, dapat manunungkulan na bilang pangulo ng Senado si Villar sa pagbubukas ng 3rd regular session ng Senado sa susunod na buwan. (Rudy Andal)