^

Bansa

13 boto kailangan ni Villar para maging Senate president

-
Kailangang makakuha ng 13 boto si Sen. Manuel Villar Jr. sa pagbubukas ng 3rd regular session ng Senado bago nito makuha ang liderato mula kay Senate President Franklin Drilon.

Sinabi ni Sen. Juan Ponce Enrile, hindi nakatali sa isang kasunduan ang liderato ng Senado tulad ng naging term-sharing agreement nina Sen. Drilon at Sen. Villar dahil pagbobotohan ito ng buong miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Ani Enrile, ang pagiging lider ng Senado ay dapat suportado ng numero at sinumang nais na pamunuan ito ay dapat makakuha ng 13 boto upang makuha ang senate leadership.

Aniya, kung sakaling magbibigay si Drilon kay Villar tulad ng kanilang naging kasunduan at walang sinuman ang nais tumakbo sa pagiging senate president ay makukuha na ito ni Villar subalit dadaan pa rin ito sa botohan.

Sa term-sharing nina Drilon at Villar, dapat manunungkulan na bilang pangulo ng Senado si Villar sa pagbubukas ng 3rd regular session ng Senado sa susunod na buwan. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANI ENRILE

ANIYA

DRILON

JUAN PONCE ENRILE

KAILANGANG

KAPULUNGAN

MANUEL VILLAR JR.

MATAAS

RUDY ANDAL

SENADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with