Ayon kay Sen. Pimentel, bagamat puwedeng pagbasehan ng ikalawang impeachment complaint ang naging desisyon ng SC kaugnay sa Executive Order 464, Calibrated Preemptive Response at Presidential Proclamation 1017 ay naniniwala siyang hindi pa rin ito magtatagumpay dahil sa mga kaalyado nito sa Kamara.
"I fear that we will see a repetition of the buying of votes of congressmen that will seal the fate of the impeachment case. They will again make a mockery of the process through the use of money," wika pa ni Pimentel.
Ang pinakamabisa umanong paraan ay ang pagbibitiw ni Mrs. Arroyo dahil nawala na ang tiwala at moral authority nito na pamunuan ang gobyerno.
Pinuri din ng senador ang 15-man panel ng SC sa ilalim ng liderato ni Chief Justice Artemio Panganiban dahil kahit karamihan sa mga ito ay itinalaga ni Mrs. Arroyo ay naging independent pa rin ang kanilang desisyon sa 3 kontrobersyal na kautusan ng Pangulo. (Rudy Andal)