Sa kasaysayan ng NPC sa loob ng 53 taon, babae naman ang uupong pinuno nito matapos na manalo si Manila Times columnist Alice Reyes mula sa kanyang kalaban sa pagkapangulo na si Roy Mabasa ng Manila Bulletin.
Si Roman Floresca, asst. business editor ng Philippine Star ang hinirang na bise presidente kontra Benny Antiporda ng Remate.
Matapos na ma-disqualify ng NPC Committee on Elections si Louie Logarte, NPC ex-president at columnist ng Daily Tribune sa kanyang kandidatura dahil sa kabiguang maayos ang kanyang pagkakautang sa club sa takdang oras ay nakuha ni Lilibeth Ison, senior news editor ng Philippine News Agency (PNA) ang posisyon bilang bagong kalihim.
Si Jimmy Cheng, chief of photographers ng United Daily News na incumbent treasurer ang nahalal ding treasurer kontra Amor Virata ng Remate habang si Ariel Borlongan, news editor ng Balita ang bagong auditor matapos nitong ilampaso sa score si Jun Cobbarubias ng Daily Tribune.
Nanguna sa board of directors si Benjie Murillo (269 boto), correspondent ng Manila Bulletin; pumangalawa si Fernando (253 boto), Bhaby See (248), reporter ng Taliba; Belen Gonong (244) boto), ng Philippine Broadcasting Service; Vic Felipe (232), ng Channel 13, Gabby Mabutas (225), Justice reporter ng Manila Bulletin; Chando Morallos (204), NPC lifetime member, Domingo Landicho (202), editor-in-chief ng Tanod, Lysander Garcia (197), NPC lifetime member at Bobby Coles (168), editor-in-chief ng NOW newsweekly.
Ang proklamasyon sa mga nanalo ay isinagawa ng NPC-Comelec na pinangunahan ni Jose Pavia, chairman matapos na mabasa ang opisyal na resulta ng bilangan kahapon ng madaling-araw.
Agad namang nanumpa kay dating NPC president Butch del Castillo ang mga nanalo para sa kanilang pormal na pag-upo bilang mga legal at opisyal na nanalo sa halalan.