^

Bansa

PSN reporter nalo sa NPC election

-
Isa sa mga nanguna sa board of directors sa katatapos na election of new set of officers ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa taong 2006-2008 ang senior reporter ng Pilipino Star Ngayon (PSN) na si Ms. Ellen Fernando, kasalukuyang nakatalaga sa Malacañang at Foreign Affairs beat.

Sa kasaysayan ng NPC sa loob ng 53 taon, babae naman ang uupong pinuno nito matapos na manalo si Manila Times columnist Alice Reyes mula sa kanyang kalaban sa pagkapangulo na si Roy Mabasa ng Manila Bulletin.

Si Roman Floresca, asst. business editor ng Philippine Star ang hinirang na bise presidente kontra Benny Antiporda ng Remate.

Matapos na ma-disqualify ng NPC Committee on Elections si Louie Logarte, NPC ex-president at columnist ng Daily Tribune sa kanyang kandidatura dahil sa kabiguang maayos ang kanyang pagkakautang sa club sa takdang oras ay nakuha ni Lilibeth Ison, senior news editor ng Philippine News Agency (PNA) ang posisyon bilang bagong kalihim.

Si Jimmy Cheng, chief of photographers ng United Daily News na incumbent treasurer ang nahalal ding treasurer kontra Amor Virata ng Remate habang si Ariel Borlongan, news editor ng Balita ang bagong auditor matapos nitong ilampaso sa score si Jun Cobbarubias ng Daily Tribune.

Nanguna sa board of directors si Benjie Murillo (269 boto), correspondent ng Manila Bulletin; pumangalawa si Fernando (253 boto), Bhaby See (248), reporter ng Taliba; Belen Gonong (244) boto), ng Philippine Broadcasting Service; Vic Felipe (232), ng Channel 13, Gabby Mabutas (225), Justice reporter ng Manila Bulletin; Chando Morallos (204), NPC lifetime member, Domingo Landicho (202), editor-in-chief ng Tanod, Lysander Garcia (197), NPC lifetime member at Bobby Coles (168), editor-in-chief ng NOW newsweekly.

Ang proklamasyon sa mga nanalo ay isinagawa ng NPC-Comelec na pinangunahan ni Jose Pavia, chairman matapos na mabasa ang opisyal na resulta ng bilangan kahapon ng madaling-araw.

Agad namang nanumpa kay dating NPC president Butch del Castillo ang mga nanalo para sa kanilang pormal na pag-upo bilang mga legal at opisyal na nanalo sa halalan.

ALICE REYES

AMOR VIRATA

ARIEL BORLONGAN

BELEN GONONG

BENJIE MURILLO

BENNY ANTIPORDA

BHABY SEE

DAILY TRIBUNE

MANILA BULLETIN

NPC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with