Media killings mataas sa panahon ni GMA
May 6, 2006 | 12:00am
Mas mataas ang kaso ng pamamaslang sa mediamen sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo simula taong 2001 hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang inamin kahapon ni Task Force Newsman Commander Chief Supt. Pedro Tango kung saan 40 kaso ng pagpatay sa mediamen ang naitala.
Sa kabila nito, kumambyo si Tango sa pagsasabing bagaman mas mataas ang naitalang mga kaso ng pagpatay simula noong 2001 ay mas marami ang kaso ng mga pinatay na mediamen na kanilang naresolba.
Ayon kay Tango sa 40 naitalang kaso ng pagpatay sa mediamen noong 2001 ay 30 o 75% ang nabigyan nila ng solusyon.
Sinabi ni Tango na 12 sa 30 o 77% ang naresolba nilang kaso noong 2001 ay walang kinalaman sa trabaho habang sa kabuuan naman simula noong 1986 ay 52 ang may kinalaman sa trabaho.
Samantalang mula naman 1986 nang manumbalik ang demokrasya sa bansa ay naitala sa 69 ang kaso ng pinaslang na mediamen at 47 ang naarestong suspect na nasampahan ng kaso sa korte.
Aminado naman si Tango na karamihan sa mga pinatay na journalist ay mga broadkaster mula sa lalawigan na hindi kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas at walang sapat na kasanayan sa media ethics.
Kaugnay nito, pumalag naman ang PNP sa akusasyon na ang Pilipinas ang pinaka-peligrosong bansa kasunod ng Iraq sa kaso ng mga pamamaslang sa mediamen.
Binigyang diin ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao na walang katotohanan ang report na patuloy na dumarami ang mga kaso ng pagpatay sa mediamen at walang ginagawang aksyon ukol dito ang PNP.
Idinagdag pa ni Lomibao na walang humpay ang pagtugon ng kapulisan sa mga kaso ng pinaslang na mediamen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Ludy Bermudo | 18 hours ago
Recommended