US nakialam na sa media killings
May 5, 2006 | 12:00am
Nakialam na ang bansang Amerika sa sunud-sunod na pagpatay sa mga miyembro ng media sa Pilipinas at binatikos ang gobyernong Arroyo na tila "walang silbi" sa pagpapatupad ng batas para proteksyunan at bigyang katarungan ang mga pinapaslang na mamamahayag.
Sa pahayag ni Republican Sen. Richard Lugar, chairman ng US Senate Foreign Relations committee at namuno sa isinagawang Senate inquiry kaugnay sa media killings, pinuna nito ang mabagal na pag-usig sa mga killer ng mga miyembro ng media. Ang inquiry ay kaalinsabay ng paggunita kahapon ng Press Freedom Day.
"Democracy depends on the free flow of information to the public, which depends on a press free to do its work without government intimidation," sabi ni Lugar.
Binanggit din ni Lugar na ang Pilipinas ay binansagan ng pahayagan sa Paris na second-most dangerous country for journalists kasunod ng Iraq.
Noong taong 2005, 7 journalists ang napatay sa Pilipinas habang 24 sa Iraq at 5 media assistants.
Sinabi naman ni RP Ambassador to Washington Albert del Rosario sa komite na mula 2000-2005, 33 kaso ng pamamaslang ang naitala at 15 sa bilang na ito ang nasiyasat na nagresulta sa pagsasampa ng kaso at kasalukuyang nililitis pa, habang 14 ang kasalukuyang iniimbestigahan at dalawa ang nadismis dahil sa hindi pagsipot ng mga testigo.
Pinalagan naman ng Malacañang ang umanoy hindi makatwirang pahayag ni Lugar na tila "natutulog sa pansitan" ang Philippine National Police (PNP) kaya magpahanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng 31 miyembro ng media.
Sinabi ni Bunye na hindi dapat ihambing ang kalagayan ng pamamahayag sa Pilipinas sa Iraq na itinuturing na isang war zone.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended