Hepe ng DIID pinasisiyasat sa video karera
May 4, 2006 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang mga barangay officials sa lungsod Quezon kina Interior and Local Government Sec. Ricardo Puno, Mayor Sonny Belmonte at PNP Chief Director Arturo Lomibao na siyasatin kung may katotohanan ang ulat na sangkot umano ang hepe ng District Intelligence Investigation Division (DIID) sa operasyon ng video karera.
Ayon sa ilang opisyal ng barangay na ayaw ipabanggit ang pangalan, nagbebenta umano ng mga stickers sa lahat ng video karera operators ang tanggapan ni Sr. Supt. James Brillantes, hepe ng DIID ng Central Police District, (CPD) upang idikit sa mga video karera machine na nag-ooperate ngayon sa ilang lugar sa Quezon City.
Isa umanong "Boyet" ang siyang taga-benta ng "stickers" bilang palatandaan na ang mga video karera machine ay pasok sa tanggapan ng DIID.
Kapag walang stickers, ito ang kinukumpiska ng kanyang mga tauhan.
Hindi lamang kabataan kundi kahit matanda ay lulong na sa video karera. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am