^

Bansa

1017 legal! — SC

-
Idineklarang legal at "Constitutional" ng Korte Suprema ang Presidential Proclamation 1017 ni Pangulong Arroyo, ngunit illegal ang pagpapatupad nito gaya ng warrantless arrest, pag-takeover sa media at pagbuwag sa mga rali.

Sa botong 11-3, sinabi ng SC na mayroong kapangyarihan si Pangulong Arroyo na magdeklara ng state of national emergency at ang pagtawag nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PP) para pigilan ang lawless violence ay naaayon sa batas.

Subalit labag sa batas ang pagdakip kina UP Prof. Randy David, Akbayan national chairman Ronaldo Llamas at ang ginawang raid sa pahayagang Daily Tribune dahil wala pa umanong malinaw na batas na naipapasa ang Kongreso laban sa pagsugpo sa anumang terorismo.

Matatandaan na ang General Order No.5 na nakapaloob sa PP 1017 ang naging batayan ng PNP para pigilan ang mga grupong nais na magsagawa ng anumang protesta para mapabagsak ang administrasyong Arroyo.

Sina David at Llamas ay dinakip habang nakikipag-negosasyon sa PNP upang makapagsagawa ng umano’y mapayapang paggunita sa EDSA revolution noong Pebrero 24, 2006 habang ang Tribune naman ay sinalakay matapos ang proklamasyon ng 1017 at kinasuhan ng rebelyon sa DOJ. Ayon pa sa SC, maituturing na pagsikil sa press freedom ang ginawang pag-takeover sa naturang pahayagan.

Nilinaw ng SC na illegal ang mga naganap na warrantless arrest noong kasagsagan ng Pebrero 24.

Pitong petition ang isinampa sa SC upang kuwestiyunin ang legalidad ng 1017 dahil sa umano’y isang pag-abuso sa kapangyarihan sa panig ng Malacañang ang nasabing kautusan.

Ayon pa sa SC, puwedeng ulitin ang pagdeklara ng 1017 basta hindi na uulitin ang mga idineklarang illegal acts sa ilalim nito.

Pinag-aaralan na ng Palasyo kung iaapela ang desisyon ng SC na nagdedeklarang ilegal sa ilang probisyon ng General Order No.5. (Grace Dela Cruz at may ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

DAILY TRIBUNE

GENERAL ORDER NO

GRACE DELA CRUZ

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PEBRERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with