Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, mula sa dating 336 istasyon na nagbibigay ng diskwento ay umabot na ito ngayon sa 525 matapos na kusang magdagdag ang mga kompanya ng langis ng kanilang istasyon na magbibigay ng diskwento upang kahit paano ay mabigyang solusyon ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng krudo.
Ang 525 gasoline stations ay makikita sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kung saan malaking bilang ng mga pampublikong sasakyan ang dumaraan, habang 118 ang nasa South Luzon, 80 sa North Luzon, 32 sa Visayas at 43 gasoline stations naman ang nasa Mindanao.
Samantala, patuloy pa rin ang negosasyon nina DOTC Secretary Leandro Mendoza at LTFRB chair Maria Elena Bautista sa mga transport group upang makahanap pa ng solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Sa ngayon ay umaabot na sa $74 kada bariles ang halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. (Edwin Balasa)