^

Bansa

525 gasolinahan magbibigay ng P1 discount

-
Siniguro kahapon ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na krisis sa gasolina matapos na ipag-utos sa mga kompanya ng langis na dagdagan ang kanilang istasyon na magbibigay ng P1 diskwento sa mga drayber.

Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, mula sa dating 336 istasyon na nagbibigay ng diskwento ay umabot na ito ngayon sa 525 matapos na kusang magdagdag ang mga kompanya ng langis ng kanilang istasyon na magbibigay ng diskwento upang kahit paano ay mabigyang solusyon ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng krudo.

Ang 525 gasoline stations ay makikita sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kung saan malaking bilang ng mga pampublikong sasakyan ang dumaraan, habang 118 ang nasa South Luzon, 80 sa North Luzon, 32 sa Visayas at 43 gasoline stations naman ang nasa Mindanao.

Samantala, patuloy pa rin ang negosasyon nina DOTC Secretary Leandro Mendoza at LTFRB chair Maria Elena Bautista sa mga transport group upang makahanap pa ng solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa ngayon ay umaabot na sa $74 kada bariles ang halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

EDWIN BALASA

MARIA ELENA BAUTISTA

METRO MANILA

NORTH LUZON

SECRETARY LEANDRO MENDOZA

SECRETARY RAPHAEL LOTILLA

SOUTH LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with