2 empleyado ng DOF, timbog sa kotong
April 30, 2006 | 12:00am
Dalawang empleyado ng Department of Finance (DOF) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na umanoy mangotong sa isang pulis ng Bureau of Customs (BOC) na sumasailalim sa lifestyle check.
Kinilala ni Regional director Atty. Ruel Lasala, chief ng National Capital Region (NCR) ang mga suspect na sina Artemeo Donor, 42, messenger ng DOF at residente ng Blk. 12, Lot 1, Section 14, Phase 2, Pabahay 2000 Muzon, San Jose del Monte; at Angelito David, 43, secretary to the secretary ng DOF at residente ng Blk. 23, Lot 22, Phase 3-B, Package 2, Bagong Silang, Caloocan City.
Ang dalawa ay naaresto base sa reklamo ni Victor Barros, 52, pulis ng BOC at residente ng 055 Halston Drive, Savvy 25, Parañaque City at 001 Dunhill Drive Savvy 25.
Si Barros ay naghain ng kasong robbery extortion sa ilalim ng revised penal code at violation of anti-graft and corrupt practices act laban sa mga suspect.
Naaresto ang mga suspect sa isinagawang entrapment operation sa loob ng Wanabet restaurant sa Harrison Plaza sa pagitan ng alas-4 at alas-5 ng hapon noong Biyernes.
Nabatid na bago naganap ang entrapment ay nagtungo si David kasama ang apat pa sa bahay nito sa 055 Halston Drive at kinuhanan ng litrato ang bahay nito noong Abril 24.
Matapos na malaman ni Barros ang ginawa ni David ay kaagad niya itong tinawagan at nakipagkita sa Harrison Plaza at dito ipinakita ng huli ang isang folder na naglalaman ng kanyang mga assets at liabilities, litrato ng bahay, apartment at mga sasakyan upang patunayan na siya ay isinasailalim sa lifestyle check ng DOFs Revenue Integrity Protection Service (RIPS).
Ipinaliwanag naman ni Barros na ang naturang mga ari-arian ay nakuha ng kanyang asawang si Evelyn sa loan nito sa GSIS at ang kanyang lumang Cherokee ay ibinigay ng kanyang ama na nasa US. Subalit iginiit ni David na ang kanyang mga ari-arian ay kukumpiskahin na rin ng GSIS kayat kailangan niya itong ayusin sa pamamagitan ng pagbibigay ng P300,000.
Tumawad si Barros at ibinaba ito sa P80,000 hanggang sa pumayag si David at magkasundo ang dalawa na magkita sa Harrison Plaza upang maibigay ang pera samantalang humingi naman ng tulong ang una sa NBI kayat naisagawa ang entrapment laban sa suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended