Ito ang isinusulong ni Bayan Muna Rep. Joel Virador sa House Bill 5431 na layong matulungan ang mga mag-aaral at magulang nito na makatipid nang gastusin lalo na ngayong nalalapit ang pasukan.
Ayon kay Virador, hindi dapat limitahan sa pasahe ang ibinigay na discount sa mga estudyante kundi maging sa pagkain na nabibili nito sa lahat ng food establishments, gamot, medical and dental services at pasahe sa lahat ng transport utilities.
Sinabi ni Virador na ang transport fare discount ay ipatutupad sa buong school year kabilang na ang Sabado at Linggo, official holidays, semestral at Christmas breaks.
Anya, ang problema ng mga magulang ay hindi natatapos sa pagbabayad ng tuition at school fees dahil mayroon pa itong ibang pinagkakagastusan tulad ng araw-araw na baon, pasahe mga school books and supplies at food expenses.
Ilan sa mga mag-aaral ay pumapasok na walang baon at kumakalam ang tiyan, ang iba ay hindi na pumapasok dahil walang pamasahe habang naglalakad na lamang ang iba papasok para makatipid. (Malou Escudero)