^

Bansa

Spokesman ni Gringo timbog!

-
Nasakote ng mga intelligence operatives ng militar at pulisya ang isa sa mga kasamahan ni dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan na akusado sa bigong kudeta noong Hulyo 23 Oakwood mutiny sa operasyon sa lalawigan ng Laguna.

Natapos din ang pagtatago ni Ernesto Macahiya, spokesman ng Philippine Guardians Brotherhood Inc. (PGBI) at may patong sa ulong P500,000. Kasalukuyan siyang nakadetine sa Calabarzon Police Headquarters sa Camp Vicente Lim at sumasailalim sa tactical interrogation.

Si Macahiya ay nahuli dakong alas-3 ng hapon malapit sa isang sabungan sa Bgy. San Antonio, Los Baños. Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest laban dito. Hindi na nanlaban si Macahiya at handa anya itong harapin ang kaso sa korte.

Inamin ni Macahiya na mula ng ipalabas ang warrant laban sa kanya noong Oktubre ay sa Laguna na siya nagtago. Napadpad din siya sa Visayas at Mindoro. (Joy Cantos)

vuukle comment

BGY

CALABARZON POLICE HEADQUARTERS

CAMP VICENTE LIM

ERNESTO MACAHIYA

JOY CANTOS

LOS BA

MACAHIYA

PHILIPPINE GUARDIANS BROTHERHOOD INC

SAN ANTONIO

SENADOR GREGORIO

SI MACAHIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with