Ayon kay Atty. Alfonso Cingco, legal counsel ng grupo, marahas ang ginawang dispersal o pagbuwag sa rally noong Oktubre 2005 sa kabila ng permit na ibinigay sa kanila.
Bukod dito, lumabag din umano ang mga pulis nang hindi maglagay ang mga ito ng name plate, nagdala ng baril, pagmamaltrato sa mga ralista at acts of lasciviousness sa isang babaeng ralista.
Kinasuhan din sina NCRPO chief, Director Vidal Querol, Supt. Pedro Bulaong, Supt. Bernardo Diaz, Supt. Romeo Sapitula at Supt. Rolando Miranda pawang ng Manila Police District.
Isinumite ng grupo ang kanilang mga hawak na ebidensiya tulad ng video upang hilingin din sa PNP officials na kilalanin ang 75 pang tauhan nito na pawang mga sangkot sa marahas na dispersal. (Doris Franche)