^

Bansa

Gen. Lomibao, 5 pa kinasuhan

-
Sinampahan ng grupong Karapatan sa Office of the Ombudsman ng kasong paglabag sa Batasan Pambansa 880 si PNP Chief Director Gen. Arturo Lomibao at lima pang opisyal ng pulisya dahil sa calibrated preemptive response (CPR).

Ayon kay Atty. Alfonso Cingco, legal counsel ng grupo, marahas ang ginawang dispersal o pagbuwag sa rally noong Oktubre 2005 sa kabila ng permit na ibinigay sa kanila.

Bukod dito, lumabag din umano ang mga pulis nang hindi maglagay ang mga ito ng name plate, nagdala ng baril, pagmamaltrato sa mga ralista at acts of lasciviousness sa isang babaeng ralista.

Kinasuhan din sina NCRPO chief, Director Vidal Querol, Supt. Pedro Bulaong, Supt. Bernardo Diaz, Supt. Romeo Sapitula at Supt. Rolando Miranda pawang ng Manila Police District.

Isinumite ng grupo ang kanilang mga hawak na ebidensiya tulad ng video upang hilingin din sa PNP officials na kilalanin ang 75 pang tauhan nito na pawang mga sangkot sa marahas na dispersal. (Doris Franche)

ALFONSO CINGCO

ARTURO LOMIBAO

BATASAN PAMBANSA

BERNARDO DIAZ

CHIEF DIRECTOR GEN

DIRECTOR VIDAL QUEROL

DORIS FRANCHE

MANILA POLICE DISTRICT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PEDRO BULAONG

ROLANDO MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with