^

Bansa

PIATCO humirit daw ng kickback

-
Naghatag ng 10 porsiyento pataas mula sa kabuuang halaga ng mga pagawain sa NAIA-3 na ipina-subcontract ng PIATCO sa mga gustong makakuha ng kontrata kaya substandard ang pagkakagawa sa nasabing terminal.

Ito ang nilalaman ng isang dokumento na isinumite ng gobyerno sa International Court for Settlement of Investment Disputes (ICSID) kasama ng iba pang papeles na pang-depensa ng Pilipinas sa kasong inihain ng Fraport para mabawi nito ang umano’y US$425 puhunan sa pasilidad.

Sinabi ng coordinator na si Jeffrey Cheng, anak ni Vic Cheng Yong, kilalang may-ari ng PIATCO ang nakalagda sa mga pangunang dokumentong pang-disenyo ng terminal o architect of rekord kaya iginawad sa kanya ng Takenaka Corp. ang halos 85 porsiyento ng lahat ng pagawain para sa mga subcontractor.

Idinagdag pa ng nagsalaysay na tatlong pahina sa EPC contract ang iniukol sa pagpili ng subcontractors kung saan napakalaki ang partisipasyon ng PIATCO sa selection process na pinangambahan niyang naging sanhi ng mga anomalya.

Ayon sa coordinator, ginigipit ng PIATCO ang mga subcontractor at hiningian ng "padulas" at kung tumangging "maglagay" ay hindi umano sasang-ayunan ang pagiging subcontractor nito ng Tekanaka Corp.

Sinabi sa salaysay na naging mahirap para sa proseso ng bidding sa pagawain dahil sa inireserba ng mga subcontractor ang dapat ay discount sa halaga ng construction bilang kickback o lagay sa mga opisyal ng PIATCO.

Ayon pa sa salaysay, ibinayad na o natanggap na ng mga taga-PIATCO ang "lagay o kickback" para sa pagawaing kanilang pinupuntirya kaya naging mahirap para sa subcontractors na mag-alok ng diskuwento sa presyo ng pagawaing isinusubasta.

vuukle comment

AYON

FRAPORT

INTERNATIONAL COURT

JEFFREY CHENG

SETTLEMENT OF INVESTMENT DISPUTES

SINABI

TAKENAKA CORP

TEKANAKA CORP

VIC CHENG YONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with