Cortes bagong PNR chairman
April 27, 2006 | 12:00am
Siniguro kahapon ni Northrail president Jose Cortes Jr. kay Pangulong Arroyo na mamadaliin din niya ang rehabilitasyon ng Philippine National Railways (PNR) matapos siyang italaga dito ni PGMA bilang chairman ng PNR kasabay ng konstruksyon ng North Luzon Railways (Northrail).
Ayon kay Mr. Cortes, hindi lamang ang Right of Way (ROW) ng PNR ang kanyang bibigyang-pansin sa kanyang pag-upo bilang chairman ng nasabing ahensiya kundi maging maayos ang pagpapatakbo sa PNR management.
Aniya, maraming suliraning kinakaharap ang PNR kaya ang pagresolba sa mga problema nito ay hindi kayang lutasin ng mga opisyal lamang kundi sa tulong mismo ng mga empleyado ng PNR.
Magsasagawa ng rehabilitasyon ang PNR sa mga riles nito mula sa $50 milyong loan nito sa Korean Export-Import Bank para sa Manila Southrail project nito.
Nakatakdang bumili din ng 21 bagong Diesel Multiple Unit (DMU) ang PNR na gagamitin para sa Southrail project nito. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest