Sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng kasong libelo na isinampa ni Ginoong Arroyo laban kay Estrada sa Pasay City Prosecutors Office, muling humingi ng palugit ang senador para maghain ng kaniyang counter-affidavit.
Inihayag ng abogado ni Ginoong Arroyo na si Melanie Trinidad na kung hindi na naman sasagot si Estrada sa susunod na preliminary investigation ng kaso, hihilingin na nila sa piskalya na desisyunan na ito.
"Lumilinaw ng lumilinaw na walang ibang balak si Sen. Estrada kundi sirain ang reputasyon ni Ginoong Arroyo nang ihayag ng senador sa media na may koneksiyon ang mga diumanoy big-time smugglers sa Unang Ginoo.
"Dahil kung hindi, walang dapat maging problema ang senador sa pagsagot sa aming demanda," ayon kay Trinidad.