Sa House Resolution 1230 na inihain kahapon sa pangunguna ni Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula, hindi kumpleto ang kinakailangang 195 lagda upang mapabilis ang pag-amyenda sa Konstitusyon.
Umabot sa 173 ang mga kongresistang lumagda at sumuporta sa resolusyon.
Layunin ng panukala na palitan ang porma ng gobyerno mula sa kasalukuyang presidential tungo sa isang "federal system".
Sinabi ni Jaraula na hindi magkapareho ang isinusulong na Chacha sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Chacha na isinusulong ng Sigaw ng Bayan dahil limitado lamang sa Articles VI at VII ang nais amyendahan ng huli kung saan mula sa Presidential bicameral, nais gawing unicameral parliamentary ang gobyerno.
Naniniwala si Jaraula na makukuha pa rin nila ang 195 lagda kapag tinalakay na ang panukala sa plenaryo. (Malou Escudero)