^

Bansa

CPR tuloy sa Mayo 1 — PNP

-
Sa kabila ng Supreme Court (SC) ruling na unconstitutional ang calibrated preemptive response policy kontra ralista, tuloy pa rin ang pagpapairal dito ng Philippine National Police (PNP) sa inaasahang malawakang kilos-protesta sa darating na Mayo 1.

Ayon kay NCRPO chief Director Vidal Querol, hindi magbabago ang batas na papairalin ng kanilang hanay laban sa street demonstrations.

Ipinaliwanag ni Querol na ang bawat kilos ng PNP ay saklaw ng Batas Pambansa 880.

Kasabay nito ay umapela sa PNP ang mga mambabatas na kaalyado ni Pangulong Arroyo na isantabi muna ang pagpapatupad ng CPR sa pagdiriwang ng Labor Day sa Lunes.

Ayon kina Reps. Roseller Barinaga at Benasing Macarambon, dapat payagan ang mga ralista na makapagpahayag ng kanilang karaingan sa araw ng paggawa.

Nauna rito, nagbanta ang pamahalaan na hindi ito mangingiming muling ipatupad ang state of national emergency sakaling maging marahas at umabot sa armadong aklasan ang gagawing paggunita sa pandaigdigang araw ng paggawa.

Sinabi ni Barinaga na dapat ipatupad ang maximum tolerance at hindi CPR upang mabigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa nasabing araw.

At kung magkakaroon aniya ng anarchy sa kalsada, ay saka lamang ipatupad ang CPR.

Naniniwala naman si Macarambon na ang pansamantalang pagpapatigil sa CPR ang tatanggal ng tensiyon sa pagitan ng pulisya at ng mga ralista.

Mas makakabuti rin aniyang isentro ng mga manggagawa sa usaping may kinalaman sa sektor ng paggawa ang gagawing rally at hindi sa isyu ng pulitika. (Joy Cantos/Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BATAS PAMBANSA

BENASING MACARAMBON

DIRECTOR VIDAL QUEROL

JOY CANTOS

LABOR DAY

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROSELLER BARINAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with